Pilipino Ako: Malaya. (A 111th Philippine Independence Day Post)

Posted on 13 June 2009 by RJ Marmol

Post Page Rank

June 12, 1898
Photo by enggul
** My apologies to my foreign friends/readers: I had to write this entire post in Filipino in honor of our 111th Independence Day. Please use Google Translate widget at the rightmost side if you need a rough translation. Thank you. **

Ngayong ika-111 taon ng kalayaan ng mahal kong Pilipinas na kumupkop sa aking mga ninuno at kukupkop sa susunod pang salinlahi, ipinahahayag ko at pinagtitibay ang mga biyayang angkin ng aking kalayaan:

Ako’y malaya, (I’m free)
Sa anumang uri ng pang-aalipin — ng dayuhan man o kapwa Pilipino (free from slavery)
Sa pang-aabuso ng makasarili at mapag-imbot na tao (free from abuse)
Sa anumang uri ng pananakit — pisikal, mental, emosyonal o pulitikal
Sa pang-gigipit ng taong nasa kapangyarihan (free from threats of power)
Sa pananakot ng kapitalistang mapagsamantala (free from economic threats)
Sa pagpili ng nais kong relihiyon o paniniwala (freedom of choice)
Sa pagboto ng ninais kong lider (right and freedom to vote)
Sa panloloko ng mapanlinlang na mga pulitiko (freedom from political “swindlers”)
Sa kagutuman, sa kahirapan, sa krimen. (free from hunger, poverty and crime)

Malaya akong ipahayag ang aking saloobin sa anumang paraang hindi nakasasaklaw sa kalayaan ng iba (freedom of speech). Malaya akong alamin ang nangyayari sa loob ng gobyerno,
Na alamin kung paano ginagasta ang buwis na kinokolekta
Malaya akong magtanong, magsaliksik, makialam (public disclosure)
Malaya akong mamuhay ng ligtas at walang pangamba na malingat lang ako, ang karapatan ko’y ninakaw na.

Kalakip ng pahayag na ito ay ang aking pagtalima at pagtugon sa kaakibat na responsibilad ng aking tinatamasang kalayaan. Dahil dito, sisikapin ko:

Na sa anumang pagkakataon na manganib ang aking kalayaan, ito’y aking ipaglalaban ng kahuli-hulihan kong lakas.
Na sa pagtamasa ng aking kalayaan, hindi ko kailanman sadyang tatapakan ang kalayaan ng iba.
Na hindi ako magbubulag-bulagan o magbibinghi-bingihan sa harapang pagtapak ng ibang tao sa karapatan ng iba.
Na susuportahan ko ng buong pagmamahal at pagmamalaki ang anumang proyektong nagtataguyod ng kalayaan.
Na ipapamana ko sa aking anak ang pagmamahal sa bayan, sa bandila, sa Saligang Batas at sa kapwa Pilipino.

Pero ang tanong, ramdam mo ba ang kalayaang sinasabi ko? ‘Wag na tayong magbolahan. Alam natin pareho na hindi naman talaga
tayo ganap na malaya. Marami sa nabanggit, mistulang pangarap na lang yata. Marami pa ring pagtatangkang pang-aagaw na nagaganap sa kasalukuyan. Hindi ko na kailangang isa-isahin.

Nakalulungkot isipin na hanggang ngayon, pilit pa rin tayong sinasakop. Pilit pa ring inaagaw ang kalayaang tangan natin.
At ang masakit pa nito, iba na ang istilo ng pananakop ngayon. Iba na rin ang anyo ng mga mananakop, hindi na galing sa ibayong-dagat. Andito na mismo nanggagaling sa sarili nating bakuran — sarili nating lahi — sariling dugo. Marami sa kanila, iba na ang gamit na sandata — nakahahalinang pangako, personalidad o presensya. Napakadaling matangay.

Kaya marapat lamang na paigtingin natin ang pagbabantay ng ating kalayaan. ‘Wag malilingat. ‘Wag kukurap. Maging mapagmatyag.

Kalayaan, hindi na ko papayag na mawala kang muli. Hindi na ko papayag na muling mabawi. At hinding-hindi ako papayag na muling dungisan ang kalayaang pinuhunanan ng sariling dugo ng mga bayaning Pilipino. Taglay ko ang dugo nila. Ang pagyurak sa kalayaang ipinaglaban nila noon ay pagyurak sa parehong kalayaang tinatamasa ko ngayon.

Pilipino ka rin di ba? ‘Wag ka ring papayag!

Handog ng Pilipino sa Mundo
(Words by Jim Paredes/APO Hiking Society; Sung by: Various Artists)
written for  EDSA People Power Revolution of 1986, known as “the revolution that surprised the  world”)

If the embedded music doesn’t play, click here to listen (opens a new window)

‘Di na ‘ko papayag mawala kang muli.
‘Di na ‘ko papayag na muling mabawi,
Ating kalayaan kay tagal nating mithi.
‘Di na papayagang mabawi muli.

Magkakapit-bisig libo-libong tao.
Kay sarap palang maging Pilipino.
Sama-sama iisa ang adhikain.
Kailan man ‘di na paaalipin.

Ref:
Handog ng Pilipino sa mundo,
Mapayapang paraang pagbabago.
Katotohanan, kalayaan, katarungan
Ay kayang makamit na walang dahas.
Basta’t magkaisa tayong lahat.

Masdan ang nagaganap sa aming bayan.
Magkasama na’ng mahirap at mayaman.
Kapit-bisig madre, pari, at sundalo.
Naging langit itong bahagi ng mundo.

Huwag muling payagang umiral ang dilim.
Tinig ng bawat tao’y bigyan ng pansin.
Magkakapatid lahat sa Panginoon.
Ito’y lagi nating tatandaan.
(repeat refrain two times)

Coda:
Mapayapang paraang pagbabago.
Katotohanan, kalayaan, katarungan.
Ay kayang makamit na walang dahas.
Basta’t magkaisa tayong lahat!

————————————————————

Suggested Further Reading:

Related Posts with Thumbnails
If you enjoyed this post, make sure you subscribe to my RSS feed!

7 Comments For This Post

  1. caryn Says:

    very nicely written ;-) its sad to think that a lot of us pinoys wallow in the wawa-ako syndrome and forget our basic freedoms. i still believe we can break free of those invisible chains—but only if we really will it.

    love love this song. it always makes me teary-eyed ;-)

  2. RJ Marmol Says:

    Hello Caryn! :) Welcome to A Day In The Life Of RJ! Thank you for dropping by and leaving your thoughts. We share the same sentiments. I, too believe that there is hope to those who really want it. If you will it, it will happen, because persistence when done appropriately and for the right reasons will always pay-off. Cheers to you!

  3. Add Topic Says:

    Hi! Just blogwalking. I have cool topics back at my site. See yah there! ;)

  4. Sad36 Says:

    The movement for the restoration of the judiciary may have been a success, however the independence has still not been achieved. ,

  5. Sikat ang Pinoy Says:

    Hello, I'm searching google and found your blog nice post. Mabuhay Sikat ang Pinoy!

  6. Chico Jochico Says:

    If you think you can make a difference get involve…

    -chico (candidate for councilor 1st district of makati)
    i am the only candidate for noynoy in makati

  7. rjmarmol Says:

    Is this true? You're the only LP bet in Makati? Why? Is everyone running with Binay's UNO or Erap's PMP?

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

Additional comments powered by BackType

Advertise Here

Photos from our Flickr stream

See all photos

Advertise Here

Search this blog:

Quirino hostage Twitter updates:

Fast Facts:

Name RJ Marmol
Location Calamba City, Laguna
Twitter rjmarmol
Bio Web/Tech/Politics enthusiast. iPhone app junkie. Blogging since 2008. RJ doesn't comment or blog anonymously because that's lame and irresponsible.

Get FREE Email Updates!

Join now!

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner


SEOmoz Linkscape Score: 3.8
Page Rank Check
Politics & Government - Top Blogs Philippines
Philippines Blog Directory

You’re on a GREEN site!

wind-energy-logo

This site is offsetting all electricity use with wind-generated Renewable Energy Certificates which prevent the release of 2,660 metric tons of carbon dioxide from entering the atmosphere each year.That’s equivalent to planting nearly 2,390 acres of trees, or removing 510 cars from the road. Reinforcing my commitment to combating climate change.





Improve the web with Nofollow Reciprocity.
Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines
This work by RJ Marmol is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 3.0 Philippines.