Ang Paskong Tuyo

Post Page Rank

KURDISTAN
Image by kurdistan كوردستان via Flickr

** Isang tulang alay sa pighating dinulot ng taong 2009 sa ating mga kababayan.Isinulat sa pinakamatamis na wikang alam nating lahat. 'Di man kayang lunurin ang pait, isa itong pagtatangka sa paglalarawan ng pagdurusang dinanas na taliwas sa suhestiyon ng nakararami ay hindi dapat kalimutan.

Ang Paskong Tuyo

sa panulat ni: RJ

Ang Pasko ay tuyo,

Wala mang pagsidlan ang

umaapaw na tubig na hatid

ng ulan...

'Di man makatapak sa lupa

ang mga paa kong laging basa,


'Di man matuyo ang mga sinampay,

'Di man makakita ng aanihing palay,

Maya't maya man ang dating ng inyong tulong na alay

Wala mang humpay mapagpala ninyong agapay...

Ang Pasko ay tuyo,

Wala mang pagsidlan ang luhang dumadaloy

sa mga matang walang tulog,

walang pahinga, halos wala ng makita...

Ang Pasko ay tuyo, bumuhas man ngayon ang walang patid na ulan,

ang pumatak noon ay sapat na, sapat na ang minsan...

Ang Pasko ay tuyo, umagos man ang dugo mula sa naghihinagpis na puso,

Languyin man ang dagat, pigain ang ulap, hinding-hindi ko na makikita

ang aking hinahanap...

Liwanag man ang dala ng iyong masinag na ngiti,

Pag-asa man ang hatid ng pangungusap mong puno ng dalamhati,

'Ramdam mo 'kamo ang sakit? Ang hapdi sa dibdib?

Tangan mo kamo ang kaligtasang mula sa langit?

'Wag mo na akong alo-hin, 'wag ng magtangka o magpilit,

'Wag na ring ialok ang yakap mong mahigpit.

Dahil ang Pasko ay tuyo

bumaba man ang langit

Mahawi man ang ulap

Mabiyak man ang lupa...

Ang Pasko ay tuyo, wag nang magkunwari

Ang sakit na dinanas, di basta-bastang mababawi

ng iyong pangakong binitawan sa pulpito

ng iyong walang tigil na pagsigaw ng "Pagbabago!"

Ang Pasko ay tuyo,

alam mo ba kung bakit?

Humarap ka sa salamin,

At sabihin mo sa akin...

Iba ba ang nakita mo?

O sarili mo rin?

Suggested Further Reading:

    No related or similar posts found for this entry.

Bookmark and Share
Related Posts with Thumbnails If you enjoyed this post, make sure you subscribe to my RSS feed!

Popularity: 1% [?]

This website uses IntenseDebate comments, but they are not currently loaded because either your browser doesn't support JavaScript, or they didn't load fast enough.



0 comments

There are no comments yet...Kick things off by filling out the form below..

You must log in to post a comment.

Additional comments powered by BackType

Improve the web with Nofollow Reciprocity.