In observance of “Buwan ng Wika”, the following article was written entirely in Filipino and will take exception from my blog language policy.
< == Pindutin upang patugtugin ang "Ako'y Isang Pinoy"
Ikinalulungkot kong medyo huli na ang sanaysay na ito. Plinano kong isulat ito sa unang linggo ng Agosto ngunit sa dami ng mga pangyayaring dala ng BJE MOA, naisantabi ko ito at halos nawala na rin sa isip ko. Mabuti na lang at napaalala ito ng aking anak habang nag-eensayo kami para sa kanyang pagtula at pag-awit sa pampaaralang selebrasyon nila ng “Buwan ng Wika”.
Nakatutuwang isipin na malayo-layo na rin ang narating ng ating wika — simula ng magdeklara ng pambansang wika hanggang sa mga ipinatupad na pagbabago dito upang matugunan ang pangangailangan ng panahon. Ipinagmamalaki ko at ipinagbubunyi ang patuloy na pagiging “buhay” ng ating wika. Bagama’t laganap ang Ingles sa maraming babasahin, lalo na sa internet, marami pa rin akong napapansing aktibong gumagamit ng wikang Filipino. Maliban dito, ang pagiging “buhay” ng ating wika ay kapansin-pansin din sa patuloy na pagdagdag ng mga salita upang maiangkop ang ang ating wika sa kumbensyonal na Ingles. Ginagawa ito sapagkat maraming aklat at iba pang uri ng babasahin ang nakasulat sa Ingles at kailangan nating tugunan ito ng karapat-dapat at eksaktong pagsasalin sa Filipino. Sa ganitong paraan lamang natin masisiguro na hindi tayo malilimitahan pagdating sa pagpapalawig ng ating kaalaman. Continue Reading
























